Hindi na naman sumipot sa preliminary hearing kahapon si Jose Antonio Sanvicente, driver ng SUV na sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong nitong Hunyo.
Para sana ito sa pagdinig kaugnay sa kasong Frustrated Murder na isinampa laban sa kaniya.
Tanging abogado ni Sanvicente na si Danny Macalino ang pumunta sa pagdinig na naganap sa Mandaluyong City Hall of Justice.
Dismayado naman ang kampo ng Security guard na si Christian Joseph Floralde na sa kabila ng hirap sa paglalakad ay nanumpa pa rin sa kaniyang affidavit.
Paliwanag naman ng abogado ni Sanvicente na hihintayin muna nila ang kopya ng reklamo bago magbigay ng counter-affidavit.
Sa Hunyo 23 magaganap ang susunod na hearing sa kaso.