Nakatakdang umupo si Congressman Rodante Marcoleta bilang kinatawan ng isang Party-list.
Ito ay matapos tanggapin ng Commission on Elections (COMELEC) ang substitution ni Marcoleta bilang nominee sa SAGIP Party-list.
Matatandaang, nuong halalan ay umatras si Marcoleta sa kanyang kandidatura sa pagka-senador.
Kabilang si Marcoleta sa second nominee ng nasabing Party-list sa papasok na 19th Congress.
Samantala, nakakuha naman ng 2 seats sa kongreso ang naturang Party-list.