Suportado ng Armed Forces of the Philippines ang incoming Department of National Defense Officer-in-Charge na si dating AFP Chief Jose Faustino Jr.
Ginawa ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala ang pahayag matapos italaga ni President-Elect Bongbong Marcos si Faustino bilang kapalit ni outgoing Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ayon kay Zagala, ang 38 taong pagseserbisyo sa militar ni Faustino na humantong sa kanyang pagiging AFP Chief ay nagbigay sa kanya ng “first-hand knowledge” sa sitwasyong panseguridad at pandepensa ng bansa.
Manunungkulan si Faustino bilang Senior Undersecretary ng DND at OIC ng kagawaran simula Nobyembre 13, pagkalipas ng isang taong appointment ban ng mga retiradong opisyal ng militar.