Sumuko sa Joint Task Force o JTF Sulu at 11th Infantry “Alakdan” Division ang dalawang notorious sub-leaders ng Abu Sayyaf Group sa Camp Teodulfo Bautista, Jolo, Sulu.
Kabilang sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan ang mga ASG sub-leaders na sina alyas Mujer Yadah, 55 taong gulang, at alyas Ben Tatto, 41 taong gulang.
Ayon kay JTF Sulu Commander Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, sina Yadah at Tatto ay kapwa mga tauhan ni ASG Indanan kidnap-for-ransom group senior leader.
Maliban dito, isinuko rin ng mga dating lider ng ASG ang dalawang M-16 rifles na siyang ginamit umano nila sa pakikibaka sa gobyerno.