Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa gobyerno na magpatupad ng mga hakbang upang pigilan ang healthcare professionals na umalis ng bansa para magtrabaho sa abroad.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat ma-address ito ng pamahalaan dahil kailangan ang mga nabanggit na indibidwal para sa healthcare system ng bansa.
Binigyang-diin din niya na gumagawa ng hakbang ang DOH para maresolba ang isyu tulad ng pagbibigay ng incentives, benefits at allowances.
Una nang nagbabala ang Philippine General Hospital (PGH) kaugnay sa exodus ng mga healthcare professional sa Pilipinas lalo na’t nagbukas ang ibang bansa ng oportunidad para sa mga overseas workers.