Kasado na ngayong araw ang inagurasyon ni Vice President – elect Sara Duterte-Carpio sa Davao City.
Ito ay para pormal na manumpa bilang ika-15 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.
Magaganap ang event sa San Pedro Square sa Davao mula alas-3 hanggang alas-5:30 ng hapon.
Ayon kay Duterte-Carpio, siya mismo ang sumulat ng kaniyang inaugural speech na naka-focus sa mga mensaheng ibinahagi niya noong kampanya.
Iiklian naman ng susunod na pangalawang pangulo ang kaniyang mensahe na ibabatay niya sa lagay ng panahon sa lungsod.
Ang ina ni Sara Duterte na si Elizabeth Zimmerman ang hahawak ng Bibliya, habang nanunumpa ito kay Supreme Court Justice Ramon Paul Hernando.
Nakatakda umupo si Duterte-Cario sa Hunyo a-30 kasabay ng pag-upo ng kaniyang running mate na si President-elect Bongbong Marcos.