Pinaplano ng Philippine National Police (PNP) na gamitin ang Philippine Arena sa Sta. Maria, Bulacan bilang viewing area sa nalalapit na inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr.
Ayon kay PNP Director for Operations, Maj. Gen. Valeriano de Leon, akma ang venue para kabitan ng malaking LED Television upang masaksihan ng mga supporters ni PBBM ang panunumpa nito sa tungkulin.
Nakikipag-ugnayan na ang PNP sa kampo ni Marcos para sa mungkahi.
Bukod sa Philippine Arena, sinabi ni de Leon na maaari ring gamitin ang Philippine Sports Center sa Pasig City bilang viewing area sa Live streaming na kayang mag-accomodate ng 40K katao.
Pinag-aaralan ding gamitin ang North Luzon Express Terminal sa Bulacan at ang Mall of Asia sa pasay city para sa nasabing okasyon.
Manunumpa sa tungkulin si Marcos sa National Museum sa susunod na linggo, Hunyo a-30.