Nagtapos sa ika-7 pwesto ang Young Gilas Pilipinas sa FIBA U-16 Asian Championship matapos talunin ang Iran.
Naganap ang laban sa Qatar kung saan nanaig ang Young Gilas sa score na 95-87 panalo.
Nanguna sa laban si Alexander Konov na kumamada ng 18 points, sinundan ni Caelum Harris na may 15 points at Bryan Competente na may 14 points.
Nakapasok sana sa FIBA U-16 Quarterfinals ang Pilipinas pero tinalo ito ng Australia.
Sa kabuuan, mayroong tatlong panalo at tatlong talo ang Young Gilas sa kompetisyon.