Nananatiling kulang ang produksyon ng baboy sa Region 2 dahilan ng mataas na presyo ng karne sa mga pamilihan sa ilang bayan sa Cagayan Valley.
Ayon kay regional Executive Director Narciso Edillo ng DA–Region 2, halos ang lahat ng mga alagang baboy ng mga breeder dahil sa african swine fever o ASF kaya’t nagkukulang ang supply.
Sa ngayon ay nasa 330 hanggang 350 pesos na ang kada kilo ng karneng baboy sa mga pamilihan sa Cagayan Valley.
Umaapela naman si Edillo na ibalik ang mga inahing baboy sa rehiyon.
Takot pa rin anya ang mga hog raiser na mag-alaga ng mga baboy dahil mayroon pa ring banta ng ASF, bukod sa wala pang bakuna kontra sa nabanggit na sakit.
Mataas din ang presyo ng feeds bunsod ng pagtaas ng mga produktong petrolyo.