Umangat ang Pilipinas sa 125th rank mula sa 163 bansa sa Global Peace Index o GPI ngayong taon.
Kabilang din ang Pilipinas sa limang bansang may pinakamalaking improvement sa peace and security indicators, bukod sa Libya, Egypt, Saudi Arabia at Algeria.
Sa peacefulness scale na 1 hanggang 5, nakakuha ang Pilipinas ng kabuuang score na 2.339.
Naitala rin ng bansa ang pinaka-malaking improvement sa Asia-pacific region at ang ika-limang pinaka-malaking improvement sa kapayapaan.
Gayunman, nakasaad sa ulat ng GPI na ang Pilipinas ay nananatiling pangatlo sa hindi gaanong mapayapang bansa sa rehiyon sa ikalawang sunod na taon, na sinundan ng Myanmar at North Korea.
Samantala, ang Iceland pa rin ang pinaka-mapayapang bansa simula noong 2008, na sinundan ng New Zealand, Ireland, Denmark, Austria, Portugal, Slovenia, Czech Republic, Singapore at Japan.