Isang magnitude 6.0 na lindol ang yumanig sa Eastern Hualien City ng Taiwan.
Ayon sa US Geological Survey, tinatayang may lalim itong 10 kilometro, kung saan naramdaman ang pagyanig sa buong isla.
Naramdaman din ito sa Taipei kung saan saglit na tumigil ang operasyon ng Taipei Metro.
Wala namang napaulat na pinsala at nasaktan matapos ang lindol.