Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health sa dalawang lugar sa National Capital Region.
Batay sa datos ng DOH, walang bagong kaso ng infection sa Navotas at bayan ng Pateros habang ang Quezon City ang may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na may 71.
Sumunod naman ang Makati na mayroong 41 new cases; Parañaque, 33 cases; Maynila, 31; pasig, 29; Taguig, 24; Las Piñas, 12; Mandaluyong, 10; Muntinlupa at Pasay na may tig-siyam; Marikina, walo; Caloocan, lima; San Juan, apat; at Malabon at Valenzuela na may tig-tatlong bagong kaso ng COVID-19.
Kahapon nang makapagtala ang ahensya ng 612 panibagong bilang ng nahawa sa COVID-19, na pinakamataas na new COVID cases simula noong April 3.