Nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng monkeypox virus ang Europe mula noong Enero a-1 hanggang Hunyo a-15.
Ayon sa World Health Organization (WHO), nangunguna ang Europe sa pinakamataas na kaso ng naturang sakit na nakakuha ng mahigit 83%; sumunod ang America na mayroong 12; Africa na may 3%; Eastern Mediterranean at Western Pacific na parehong nakakuha ng tig -1%.
Sinabi ng WHO, na ang nasabing sakit ay umabot na sa 2,103 laboratory confirmed cases kung saan, pinakamaraming nagpositibo noong buwan ng Mayo na mayroong 98%.
Sa ngayon, nangunguna ang United Kingdom sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng monkeypox virus na mayroong 524 cases; Spain na mayroong 313 cases; Germany na mayroong 263 cases; Portugal na mayroong 241 cases; Canada na mayroong 159 cases; at France na mayroon namang 125 cases.