Umabot sa 521 ang karagdagang COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health nitong Lunes, na mas mababa kumpara sa 612 cases na naitala noong linggo.
Dahil dito, bahagya pang umakyat sa 4,740 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pumalo naman sa 3, 696, 793 ang nationwide COVID-19 caseload, 3, 631, 586 recoveries at 60,467 deaths.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa may pinaka-mataas na bagong kaso na 2,365 sa nakalipas na dalawang linggo na sinundan ng CALABARZON, 726; at Western Visayas na may 396.
Sa Metro Manila, ang Quezon City ang may pinakamaraming naitalang kaso na may 544, Maynila na may 303; at Makati na may 292 cases.