Tatlo pang ruta sa labas ng Metro Manila ang binuksan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kahapon.
Ayon sa pamunuan ng PITX, kinabibilangan ito ng biyahe patungong Davao City, Maasin City at Ormoc City sa pamamagitan ng bus ng Philtranco.
Noong nakaraang linggo, unang pinasinayaan ng PITX ang rutang PITX-Davao bilang tulong sa mga pasahero sa mas mabilis at maayos na biyahe.
Para makabili ng ticket, magtungo lang sa ikalawang palapag ng PITX partikular sa ticket booth 1.
Nagkakahalaga ng 3,680 ang one-way fare ng biyahe na tatagal ng tatlong araw kasama ang dalawang beses na pagsakay sa ferry.