Hawak na ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang listahan ng mga pangalang umano’y sangkot sa smuggling at korupsyon sa Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, kabilang sa listahan ang mga indibidwal at opisyal ng DA at Bureau of Customs (BOC).
Isa ang Agri sector issue sa mga natalakay sa pulong nila ni PBBM noong Mayo 28.
Naibahagi rin ng Senador sa susunod na Pangulo ang report ng Senate Committee of the Whole, tungkol sa mga pagdinig sa smuggling ng mga produktong pang agrikultura.
Sa naging pag-uusap, sinabi ni Sotto na hindi nagustuhan ni Marcos ang mga nalaman nito.
Sa ngayon, para kay Sotto ay magandang desisyon ang pag upo muna ni PBBM bilang DA secretary, dahil tiyak na matutugunan ng maayos ang korupsiyon sa ahensiya.