Naglatag na rin ng plano ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa nalalapit inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Hunyo a-30.
Ayon kay PCG Commandant, Admiral Artemio Abu, nagpakalat na ang PCG ng kanilang asset at personnel na magbabantay sa seguridad ng panunumpa.
Tututok ang mga ito sa maritime security sa paligid ng National Museum.
Sa ngayon, isinasapinal na ng PCG ang guidelines at protocols sa event para maiwasan ang anumang maritime incidents.
Bukod sa inflatable boats, aluminum boats at personal water-craft na magpa-patrol sa Manila Bay at Pasig River, higit 100 coast guard security personnel din ang ide-deploy sa paligid ng National Museum.
Mayroon ding inihanda ang PCG na road patrols, medical teams at mga ambulansya.