Nasamsam ng mga otoridad sa dalawang suspek ang aabot sa P3 milyong halaga ng shabu sa Bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte.
Kinilala ang mga suspek na sina John Mark Dinong 33-anyos at Clifford Malana, 45-anyos na nakuhanan ng 500 gramo sa ikinasang Anti-Illegal Drug Operation.
Nakuha din sa mga suspek ang ilang heat-sealed transparent plastic sachet na shabu, isang black chest bag, apat na aluminum foil strips, isang glass tooter, isang gunting, tatlong cigarette lighter, isang pulang improvised shovel. , isang unit Oppo cellphone, at isang Taurus PT 1911 cal. 45 na may serial number na NDP 05094, dalawang magazine na kargado ng 8 live ammunitions.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong suspek.