Pumalo na sa pito ang bilang ng mga nasawi sa banggaan ng isang van at truck sa kahabaan ng State Highway 1, Mount Pleasant na sakop ng Marlborough District sa New Zealand noong Linggo.
Kabilang sa mga nasawi ang limang Pinoy at isang sanggol habang patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan sa isa pang nasawi.
Ayon sa mga otoridad, dalawa pa ang sugatan na patuloy pang nagpapagaling sa Wellington Regional Hospital ng nasabing bansa.
Sa ngayon, nagpaabot na ng tulong ang Embassy officials sa dalawang nakaligtas matapos ang aksidente.
Samantala, nangako naman ang Embahada sa New Zealand na kanilang tutulungan ang pamilyang naiwan ng mga biktimang nasawi.