Mahigit 71 milyong mananakay ang nakinabang sa “Libreng Sakay” ng Public Utility Vehicles (PUVs) sa ialalim ng Nationwide Service Contracting Program ng Gobyerno.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), pumalo sa kabuuang 71, 222, 260 commuters ang naserbisyuhan ng naturang programa hanggang nitong Hunyo a-20.
Una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na hanggang Hunyo a-30 na lamang ang Libreng Sakay Program, kasabay ng huling araw ng Administrasyong Duterte.