Sumampa na sa 5,113 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health ng karagdagang 593 cases, kahapon.
Dahil sa pagtaas ng aktibong kaso, umakyat na sa 3,697,793 ang total covid-19 cases sa bansa, na pinakamataas simula noong Mayo a – 3, ngayong taon.
Kabilang na rito ang 3,632,196 total recoveries matapos madagdagan ng 333 na bagong gumaling.
Walo naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya’t bahagyang tumaas sa 60,484 ang death toll.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyong may pinakamataas na bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo, na 2,793; na sinundan ng Calabarzon, 864; Western Visayas, 458; Central Luzon, 413; at Central Visayas, 231.