Idineklara ng Malakanyang bilang special non-working day ang Hunyo a – 24 sa lungsod ng Maynila bilang pagdiriwang ng 451st founding anniversary ng Kabisera ng bansa, bukas.
Inanunsyo ng Palasyo ang deklarasyon sa pamamagitan ng Proclamation 1400 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, sa ngalan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kahapon.
Hunyo a–24 taong 1571 nang itatag ang Lungsod ng Maynila ng mananakop na Español na si Miguel Lopez de Legazpi, na kauna-unahang gobernador-heneral o adelantado ng Pilipinas.