Nilinaw ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) na wala pang natatanggap na official petition ang kanilang ahensya mula sa mga taxi driver.
Ayon kay LTFRB Executive Director Kristina Cassion, na patuloy pang pinag-aaralan ng kanilang ahensya ang mga hirit na dagdag pasahe ng ibat-ibang grupo ng pampublikong transportasyon.
Sinabi ni Cassion, na sunud-sunod ang kanilang executive session para sa pagsusuri at pagbabalanse para makabuo ng motion for reconsideration hinggil sa naturang isyu.