Hinihintay nalang ng Department of Energy (DOE) na makabalik sa operasyon ang ilang mga planta ng kuryente sa dalawang unit sa Bataan at isa naman sa Quezon Province.
Kasunod ito ng paglagay sa yellow alert level matapos magkaroon ng aberya o outage ang mga planta sa Luzon Grid nito lamang mga nakaraang araw.
Ayon kay Mario Marasigan, Director ng DOE o Energy Power Industry Management Bureau, nasira ang mga planta dahilan kaya numipis ang suplay ng kuryente sa Luzon.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng ahensya ang dahilan ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon Grid.