Hindi maibibigay ng Department of Health (DOH) ang One COVID-19 allowance (OCA) hanggat walang liquidation mula sa mga ospital na nakatanggap na ng benepisyo.
Ito ang sinabi ni Outgoing Health Secretary Francisco Duque III kasunod ng mga reklamo kaugnay sa benepisyong hindi pa natatanggap ng 120K healthcare workers at personnel.
Aniya, kahit partial liquidation ay pwede na, pero kung hindi, mananagot ang DOH at magiging subject for observation ng Commission On Audit (COA).
Ayon pa kay Duque, inabisuhan na niya ang mga private hospitals at ilang local government hospitals na magsumite ng report at memorandum of agreement dahil ito ay nasa guidelines at batas para makatanggap ng naturang benepisyo.
Mahigpit naman niyang binabantayan ang pamimigay ng OCA dahil karapat-dapat aniya ang mga healthcare workers para sa benepisyong ito.
Base sa huling tala ng kagawaran noong Mayo, nasa P86.5M na ng nasabing allowance ang naipamahagi sa 54 health facilities simula noong January 2022.