Sa gitna ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa nagbabala si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Maj. Gen. Felipe natividad kaugnay sa bahagyang paghihigpit sa mga lansangan ng mag nagpapatrolyang kapulisan.
Ito ay kaugnay sa pagsunod sa mga alintuntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH).
Sa datos ng DOH, nakita na walumpu’t dalawang porsiyento na mas mataas ang kaso ng COVID-19 mula Hunyo 13 hanggang 19 kumpara sa nagdaang linggo.
Una nang sinabi ng octa research na ang positivity rate sa bansa ay nasa 5.5% na kung saan nalagpasan ang World Health Organization (WHO) threshold ng limang porsyento.
Mababatid ang metro manila ay nananatiling nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1, na siyang pinakamababa sa ilalim ng klasipikasyon ng IATF.