74 na anti-government protesters sa Cuba ang sinentensiyahan ng korte ng 18 taong pagkakakulong.
Kasunod ito ng ikinasang mass protest ng mga raliyista noong Hulyo a-11 na tumagal hanggang Hulyo a-12 nang nakaraang taon dahil sa kakulangan sa pagkain at gamut sa nasabing bansa.
Ayon sa prosecutor’s office, sa nasabing bilang, 12 sa mga ikinulong ay mga kabataan na sumalakay sa constitutional order at stability ng socialist state.
Dahil dito, inakusahan ng gobyerno ng Cuba ang Estados Unidos kung saan sila umano ang utak sa naganap na rally noong nakaraang taon.