Nag-apply ang Cebu Pacific o CebPac sa Civil Aeronautics Board (CAB) para itaas ang fuel surcharge sa susunod na buwan.
Ayon kay CebPac Chief Strategy Officer Xander Lao, kanilang sisikapin na maging abot kaya ang kanilang mga ticket para sa mga pasahero.
Sinabi ni Lao, na sa pamamagitan ng mga seat sale, magiging magaan ang biyahe dahil hindi umano mararamdaman ng mga mananakay ang fuel surcharge.
Bukod pa diyan, plano naring mag-apply ng airasia airline sa cab para sa dagdag na surcharge kung saan, ngayon palamang sila muling hihiling dahil taong 2015 pa ang huling pagtaas sa surcharge dahil sa mataas na presyo ng jet fuel.
Sa ngayon, wala pang abiso kung magtataas din ng singil sa surcharge ang Philippine Airlines.