Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang master agent ng online cockfighting operation.
Naaresto ang suspek kasama ang limang iba pa matapos magka-access sa live e-sabong operation ang mga otoridad.
Ayon sa PNP-ACG, agad silang nagsagawa ng operasyon matapos magsumbong ang isang informant hinggil sa iligal na aktibidad ng mga suspek kung saan, naghahanap sila ng mga nais tumaya sa e-sabong.
Nakumpiska ang dalawang smartphone sa mga naaresto na nakatakdang isailalim sa dokumentasyon at wastong disposisyon.
Nahaharap ang mga naaresto sa paglabag sa Illegal Gambling and Cockfighting Law of 1974 in relation to Cybercrime Prevention Act of 2012.