Lumundag pa sa 5,523 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health ng karagdagang 716 covid cases, kahapon na pinaka-mataas na single-day tally simula noong Marso.
Dahil dito ay lumobo na sa kabuuang 3,698,509 ang caseload.
Nadagdagan naman ng 295 ang recoveries kaya’t umakyat na sa 3,632,491 ang gumaling habang mayroong 11 nadagdag sa death toll kaya’t umabot na sa 60,495 ang namatay.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyong may pinaka-maraming bagong covid-19 cases sa nakalipas na 2 buwan, na 3,002; sinundan ito ng Calabarzon, 989; Western Visayas, 510; Central Luzon, 432 at Central Visayas, 248.