Tinanggap na ni Dating Philippine Airlines President at cHief Operating Officer Jaime Bautista ang alok na maging transportation secretary sa ilalim ng administrasyon ni President-Elect Bongbong Marcos.
Ito ang kinumpirma ni Incoming Executive Secretary, Atty. Vic Rodriguez makaraang pangalanan ni Marcos si Bautista bilang susunod na kalihim ng naturang kagawaran, kahapon.
Papalitan ni Bautista si Arthur Tugade bilang DOTr secretary simula sa Hunyo a – 30.
Si Bautista, na isang certified public accountant, ay nanungkulan sa pal sa loob ng 25 taon bilang pangulo bago nag-retiro noong 2019.
Kabilang anya sa mga marching order sa kanya ni PBBM ay mag-develop ng premier airport na pasok sa international standards.