Ibibigay ng Philippine Coast Guard ang buong kooperasyon nito kay incoming transportation secretary Jaime Bautista.
Ito ang sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo na ipinapangako nila ang isang propesyunal, committed at competent na pagseserbisyo at pagtulong sa anumang layunin ng Department of Transportation (DOTR).
Si Bautista ay isang Certified Public Accountant, naging bahagi ng Philippine Airlines sa loob ng 25 taon at nagserbisyo sa Pangulo sa loob ng 13 taon bago ito nagretiro noong 2019.