Isinailalim na sa preliminary investigation ang 17 kaso ng vote-buying at vote-selling nitong May 9 elections.
Ayon kay John Rex Laudiangco, Acting spokesperson ng Commission on Elections (COMELEC), pumalo na sa 113 ang kasong nai-report sa kanila.
Bilang parte ito ng Task Force Kontra Bigay ng COMELEC na layong malabanan ang bentahan ng boto nitong eleksyon.
Sa ngayon, hindi pa isinasapubliko kung mayroong high-profile candidates na kabilang sa listahan dahil nasa Comelec Law Department pa ang kaso.