Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 770 bagong nahawa sa COVID-19 kahapon.
Ayon sa DOH, ito na ang pinakamataas na bilang magmula noong Marso 2022.
Pumalo naman sa 6, 068 ang aktibong kaso ng COVID-19, mas mataas sa 5, 523 noong Huwebes.
Pinakamarami sa nahawa sa nakalipas na dalawang linggo ay nagmula sa Metro Manila na may 3, 264; sinundan ng CALABARZON na may 1, 089 at Western Visayas na may 279.
Wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na umaabot na ngayon sa 60, 507 habang 3, 632, 676 ang gumaling sa virus.
Sa kabuuan, 3, 699, 251 ang nationwide COVID-19 tally sa Pilipinas.