Sarado na simula ngayong araw ang Southbound portion ng EDSA-Kamuning flyover.
Alas-6 ngayong umaga nagsimula ang pagsasara na magtatagal sa loob ng isang buwan para sa pagsasaayos nito matapos na makitaan ng mga maliliit na butas.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), maaaring gamitin ng motorista ang alternatibong ruta.
Ito ang pagkanan sa scout Borromeo St. papuntang Scout Ybardolaza St., papuntang Judge Jimenez St., E. Rodriguez, at New York Avenue papuntang EDSA.
Una nang nagsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng MMDA kabilang na ang Samar Avenue at Scout Borromeo St. upang matiyak na walang nakasagabal sa daloy ng trapiko.