Tatanggalin na simula Hulyo a-1 ang mga vaccination hubs sa Davao City na nasa loob ng mga malls at mga parks.
Ayon kay Davao City COVID-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser, magpapatuloy pa rin ang mobile vaccinations gayundin ang school-based vaccinations at sectoral vaccinations sa mga private at public offices.
Mananatili ring bukas ang bakunahan sa 18 health centers sa Davao City mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
Samantala, nag-request ang vaccination cluster ng Davao COVID-19 Task Force na magbukas ng kahit isang vaccination hub sa mall sa bawat Congressional District.
Ito ay upang ma-accomodate pa rin ang mga Dabawenyo na bakante sa araw ng Sabado.
Hiniling din ng COVID-19 task force na panatilihing operational ang isang Drive-thru vaccination.