Epektibo ang 50 pesos na dagdag-sahod sa mahigit tatlong milyong manggagawa sa pribadong sektor sa Eastern Visayas o Region 8 sa Lunes, June 27.
Sinabi ni Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) chairman Henry John Jalbuena, ang bagong wage rate ay epektibo na sa Lunes, 15 days matapos ang pagkakalathala sa lokal na pahayagan noong June 13.
Nabatid na ipatutupad ang umento sa sweldo sa dalawang tranches – 25 pesos sa unang anim na buwan ng implementasyon at karagdagang 25 pesos naman matapos ang pitong buwan o sa January 2, 2023.
Matatandaang noong Hunyo 6 nilagdaan ng bagong Wage ng Regional Wage Board at inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission noong Hunyo 10.