Handang tumulong ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa pagpapauwi sa mga labi ni Atty. John Albert Laylo.
Ayon kay OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdac na may ugnayan na sila ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa maaaring maitulong sa naulilang pamilya ni Laylo.
Dagdag ni Cacdac, hindi overseas Filipino worker (OFW) si Laylo sa Amerika kaya tinitingnan nila ang mga maaaring gawin para sa pagpapauwi sa labi nito sa Pilipinas.
Una nang nagpaabot ng pakikiramay si Cacdac sa naulilang pamilya ni Laylo at hangad nito na makamit ang hustisya.