Nababahala ang isang senador sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Senator Win Gatchalian, chairman ng senate committee on energy at incoming chairman ng committee on ways and means na nagkaroon sila ng pagpupulong kabilang ang transport groups, DOE at iba pang stakeholders.
Sinabi pa ng senador na maaaring magkaroon ng pagdinig sa pagsuspinde ng excise tax dahil marami ang nagmumungkahi nito at nagbibigay ng pananaw.
Pero para kay Gatchalian dapat na ito ay ang panhuling solusyon o “last resort” dahil malaki ang mawawala sa kaban ng bayan.
Giit niya na habang may nagagawa pa ang pamahalaan, dapat aniyang palawakin ang Pantawid Pasada Program, Libreng-Sakay at iba pa.
Samantala, Ikinababahala rin ni Gatchalian anglumalagong inflation rate