Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Davao Region ang pamamahagi ng final tranche ng fuel subsidy para sa mga driver at operators ng Public Utility Vehicle (PUVs).
Nabatid na aabot sa 628 operators ng utility vehicle express at 5,196 na taxi ang makikinabang sa subsidiya habang makakakuha naman ng panibagong card ang 708 public utility units na dati nang nagkaproblema sa pagtanggap ng subsidiya sa nabanggit na rehiyon.
Aabot sa 6,500 ang kabuuang matatanggap ng bawat benepisyaryo na makukuha naman sa kanilang mga card na gagamitin sa pagkarga ng gasolina at hindi ito maaaring i-convert bilang cash.