Asahan na bukas ang panibagong taas-presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito, ayon kay Atty. Rino Abad, director ng Department of Energy Oil Industry Management Bureau, ay dahil sa paghina ng piso kontra dolyar.
Maglalaro sa P1.10 hanggang P1.30 ang inaasahang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.
P0.10 hanggang P0.20 naman maaaring maging dagdag o bawas sa kada litro ng gasolina habang walang inaasahang paggalaw sa presyo ng kerosene.