Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang mga manonood na iwasang magdala ng mga bagpack sa inagurasyon ni President-Elect Ferdinand Marcos Jr. sa National Museum sa Hunyo 30.
Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Valeriano De Leon, inaasahan nila na marami ang pupunta para masaksihan ang oath-taking ng bagong pangulo.
Sinabi pa niya na wala pang naitatalang seryosong banta ang ahensya kaugnay sa inagurasyon.
Samantala, pinayuhan rin ni De Leon ang mga may sakit o health conditions na huwag nang pumunta sa aktibidad at manood na lamang ng oath-taking sa television.