Binalaan ng PAGASA ang publiko kaugnay sa mga pag ulang dulot ng Low Pressure Area.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing LPA ay pinakahuling namataan sa layong halos 70 kilometro Hilaga-Hilagang Kanluran ng Virac, Catanduanes o 100 kilometro ng Daet, Camarines Norte.
Kabilang sa mga apektado ng sama ng panahon ang Bicol Region, Calabarzon, Mimaropa, Isabela, Aurora at Visayas.
Nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng lahar flow sa bahagi ng bulkang Bulusan kapag nagtuluy-tuloy ang pag ulan.