Kanselado ang face-to-face classes at on-site o physical transactions sa ilang pamantasan sa Intramuros, Maynila mula kahapon hanggang Hunyo a-29.
Ito ay dahil sa pansamantalang pagsasara ng ilang mga kalsada sa lungsod bilang paghahanda para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa June 30.
Kabilang sa mga paaralan ay ang mga sumusunod:
- Colegio De San Juan De Letran
- Lyceum of the Philippines
- Mapua University, at
- Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Samantala, gagawin munang “online” ang klase sa mga naturang petsa para hindi mahirapan ang mga estudyante, mga guro at iba pa sa posibleng abala na maidudulot ng road closure.