Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa pagkamatay ng 21 indibidwal sa Bayan ng Tavern sa South Africa.
Nabatid na kabilang sa mga biktimang namatay ang 8 babae habang 13 naman sa mga lalaki ang nasawi.
Ayon sa mga otoridad, posibleng under-age drinking ang dahilan ng pagkasawi ng mga biktima kung saan, narekober ang mga walang lamang bote ng alak at wig sa scenery park kung saan nangyari ang insidente.
Sinabi ng mga otoridad na wala umanong sugat na nakita sa mga kabataan na ngayon ay isinasailalim pa sa Autopsy para malaman kung pagkalason ang naging sanhi ng kanilang pagkamatay.