Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mawawala ang kurapsiyon sa gobyerno na malaking problema ng bansa.
Ayon kay Duterte, naaapektuhan ang bansa dahil nasisilaw sa pera ang mga opisyal dahilan kaya nagkakaroon ng kurapsiyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Matatandaang July 2021 nang ihayag ni Duterte na hindi mapupuksa ang kurapsyon sa pamahalaan sa loob ng isang araw lang dahil talamak na ito partikular na sa mga opisyal.
Sinabi pa ng Pangulo na tinanggal na niya sa pwesto ang ilang corrupt na opisyal sa Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Immigration (BI).