Naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng bagong guidelines hinggil sa tamang paggamit ng bagong disenyo na P1K bill na gawa sa polymer.
Ilan sa mga nasa guidelines ang ‘keep them flat’ at ang ‘do not excessively fold or crumple the banknote.’
Ipinayo ni incoming BSP Governor Felipe Medalla na dahil bawal matiklop nang sobra ang bagong pera ay dapat na bumili ng mas mahabang wallet, na agad namang kinundina ng mga netizen.
Anila, mas maigi pa raw na gamitin ang lumang disenyo ng P1K bill dahil pwede itong tiklupin tulad ng nakasanayan.