Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Batanes, kaninang alas-9:43 ng gabi.
Ayon sa PHIVOLCS, namataan ang sentro ng lindol sa layong 190 kilometers hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes na may lalim na 13 km at tectonic ang origin o pinagmulan nito.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan at wala ring pinsala sa nabanggit na lugar pero asahan ang aftershocks matapos ang pagyanig.