Papayagang makalapit sa National Museum sa Maynila ang mga supporters ni President-Elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior, para sa inagurasyon nito sa katapusan ng Hunyo.
Ayon kay Manila Police District Public Information Office Chief, Police Major Philip Ines, mayroong inilaang pwesto ang pulisya para sa pro-Marcos supporters.
Matatagpuan ito malapit sa golf course ng Intramuros na kayang mag-cater ng humigit-kumulang 200,000 katao.
Para sa mga anti-Marcos na walang permit, pinayagan ng MPD na makapag-rally ang mga ito sa Plaza Miranda, Plaza Dilao, at Liwasang Bonifacio.
Aabot sa 15,000 security personnel ang ide-deploy ng PNP para sa inagurasyon ni PBBM.