Hindi bababa sa 51 katao ang nasawi sa naganap na sunog sa isang kulungan sa Southwestern Colombia.
Ayon kay Tito Castellanos, Director ng National Prison System, hindi pa malinaw kung ang mga nasawi ay pawang mga preso.
Tinangka umanong tumakas ng mga inmate kaya sinunog ng mga ito ang kanilang mga kutson.
Aabot sa 24 na indibidwal naman ang ginagamot sa ospital, kung saan dalawang prison guards ang nagtamo ng minor injuries.
Sinabi naman ni Ivan Duque, Outgoing president ng Colombia, na- iimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.